K to 12 Curriculum
from http://www.gov.ph/k-12/ created by: Hervilla, Ryan B.
Filipino
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
Deskripsyon ng Batayang Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng Filipino K-12
Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi.
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang
(1) kakayahang komunikatibo,
(2) replektibo / mapanuring pag-iisip at,
(3) pagpapahalagang
pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na
pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang
panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga magaaral.
Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning),
Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins
(Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing
“nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain
sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento